Pinoy movies reviewed

January 29, 2007 at 12:45 pm | Posted in scribbles | 7 Comments

Haaay. Kailan kaya magbabago ang takbo ng Pinoy movies. Sabihin niyong hindi totoo yang mga nasa baba! Nakakasawa na kasi minsan eh. Ikaw marami ka rin bang napapansin? Hehehe… Pwede ka ring magdagdag!

Action Movies:

  • Laging paghihiganti ang takbo ng kwento.
  • Papatayin ang lahat ng miyembro ng kanyang pamilya o mahal sa buhay at himalang makaliligtas ang bida.
  • Hindi tinatamaan ang bida kahit ilan pa ang bumaril sa kanya.
  • Kapag ang bida naman ang bumaril sa kanyang mga kaaway kahit saang anggulo sapol ang kalaban.
  • Mag-uusap pa ang bida at kontrabida habang nakatago silang pareho at sabay na lalabas at magpapaputok.
  • Kapag nabaril naman ang bida, kahit ilang tama ng baril, ay nakikipaglaban at tumatakbo pa rin.

Comedy Movies:

  • Laging may kasamang bakla ang bida.
  • Laging may nadadapa.
  • Laging may binabatukan, kadalasan ang tau-tauhan ng bida.
  • Laging may outing sa beach o sa bahay ng kamag-anak sa probinsya.
  • Laging may nagpapacute.

Drama Movies:

  • Nagpapaapi muna nag bida, kadalasan galing muna siya sa mahirap na buhay.
  • Sa paglipas ng panahon, magiging napakayaman na ang bida at ang nang-api sa kanya ay magiging napakahirap na.
Advertisements

7 Comments »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. action movies:
    laging may rape scene…
    better read bakit baligtad magbasa ng libro ang mga pilipino.. dami nun..

    nothing beats:
    korean movies-love stories
    japanese- horror movies
    hollywood – comedies and action; thriller
    bollywood – musicals
    europe – softcore (hehehe)

  2. ano yung bollywood?
    at anu naman ang softcore?

  3. Meron pa akong dagdag, laging sa huli na dumadating yung mga pulis pag tapos na ang aksyon ng bida at kontrabida.

    Nga pala, changed ur link already ^^

  4. Sa comedy: (early 90’s)

    Di nawawala ang may sumasayaw lalo na sa outing nila.

    Sa action:

    Madalas binabanggit ang title ng pelikula sa movie. ex (isang bala ka lang!)

  5. and im back as well. 😛

    bollywood is india’s hollywood, if im not mistaken.

    dagdag [haha] tapos after ng dance number ng buong cast, tatalon silang lahat then freeze! haha. suspended sila sa air then “the end!”

    …oooh, it makes me think why people resort to foreign films. I hope we could make this revolutionized via the short films. 😛

  6. kaya nga mas maganda pang manood ng sine at manood ng mga english/american soap/series kesa tumunganga sa pelikula ng mga pilipino.

    sa totoo lang, pinapangarap kong baguhin ang paningin ng mga pilipino sa sarili niyang industriya. pagdating nawa ng panahon makatulong ako. hayz.

    tapos, mahilig pa tayong manggaya.

    captain barbell – smallville
    super twins – sailormoon
    asian treasures – tomb raider / national treasure / dan brown series
    lupin – lupin sa france / lupin III na anime

    nakakasawa na.

    http://gusot.wordpress.com

  7. alam ko kung saan mo to nakuha. pero hindi ko sasabihin.

    hahaha ang corny mo.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: