High School memories

January 30, 2007 at 6:35 pm | Posted in drama, school | 10 Comments

dsc00151.JPG dsc00453.JPG dscn1186.JPG montessorian-staff.JPG

Background music: With A Smile
2 months na lang. We’ll be parting ways. Tama nga talaga ang sinasabi nila na ang high school ang peeenaaka-masayang stage ng pag-aaral. Dito napaghalo-halo ang saya, lungkot, tawanan, iyakan, inisan sa isang blender ng pagmamahalan naming magkakamag-aral. Malapit na nga. Nakakalungkot. Pero ayos lang. Ganyan talaga.

1st Year. Dito ko nameet ang isa sa pinakamatagal kong naging bestfriend, katoto, kalaro, kakopyahan at adviser ng mga problema. Dito rin ako naexpose sa pagsulat at pagguhit. Nakapagpasa ako ng unang tula sa official newspaper namin.

2nd Year. Nagkaroon ako ng interes sa GBA emulator, PS emulator at iba’t ibang klase ng laro. Dito ko rin natuklasan ang paglalaro ng the sims, na naging dahilan upang maging close kami ni toooot. At higit sa lahat, first time kong makadalo sa High School Dance. ^^

3rd Year. Pinagsama ang lahat ng magagaling na mag-aaral sa cream section namin (Mendeleev). Nagkaron ako ng kalayaang maglaro sa labas. Hahaha at umuwi ng alas-diyes ng gabi galing sa kaibigan naming may computer shop. Pero ang pinakahighlight neto ay ang natuto akong toooooooot.

4th Year. Eto na yata an pinakamasayang year ko. Naappoint ako bilang Editor-In-Chief ng Official Newspaper namin pero nang nasa proseso na ang pagpapublish ay sobrang hirap ng napagdaanan ko. Pero nang makita ko ang finished Product, Wow. Eto na ang last year, marami kontrobersya, maraming nangyayari, at higit sa lahatdito ko naramdaman ang pagiging BATAS ng iskul matapos maging Student Leader. Hehehe ^^

May ipopost pa akong summary ng FOURTH YEAR Chronicles. Hehehe. Hindi na nga mauulit ang High School. Excited na nga ako sa College, Pero at the same time, malungkot. After ten years kaya ano nang itsura at mga katayuan namin sa buhay? Hmmmmm…
more pictures in photo gallery >>>

Advertisements

10 Comments »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

  1. things i learn:
    …ang konti nyo pala sa section!
    …ang ganda ng classroom nyo!

    very true. sa totoo lang. sa tuwing naaalala ko ang highschool, lalo na ngayong nasa college ako… hindi pala matatapatan ng freedom (na dala ng college) ang saya(-ng dala ng highschool)

    …marami pang mangyayari sa loob ng 2 buwan. sulitin mo pramis. 😛

  2. nakupoo kuya hndi po yan ang class picture namin! 26 po kami sa section. montessorian staff po yan, ang publication namin hehehe ^^

  3. dami mo ngang accomplishments sa high school at dahilan para ma miss ang HS life. lupet mo pala editor in chief! keep it up…

  4. natuto kang magtooot… naks naman! ano naman yun hahahaha! dalawang buwan na lang.. tamad pa rin ako. dapat kasi ako ang editor-in-chief.. hay nako. pakasaya ka na.. smile!

  5. natuto kang magtooot… naks naman! ano naman yun hahahaha! dalawang buwan na lang.. tamad pa rin ako. dapat kasi ako ang editor-in-chief.. hay nako. pakasaya ka na.. smile!

    heto si gus,
    http://gusot.wordpress.com

    Asterise konte varka
    Imle ante tronta makka
    Sonte velte imlo remne
    Asterige mirre konte

    Rendo commez urg
    Sendere vokko terres
    Revvo shondere vokko torre
    Imne neshende

  6. mmm.. hindi mo yata ako nililink?
    http://gusot.wordpress.com

  7. bonjour monsieur dwight..

    mga naaalala ko..
    napakainfluentil ng makati science sa buhay ko.. dito ko na realize ang fun ng pagiging teenager.. lahat natutunan ko.. maglaro ng baraha, tumakas sa kung anu ano.. gumala sa mall.. everything.. di ko makakalimutan ang highschool

  8. congrats sa pagpasa sa up… isa ka na ring isko kung saka2sakaling dun ka mag-enrol =)

    wow, eic ka rin pala… ang ganda nga ng feeling pag napublish na yung ginawa nyo. dun mo lang mare2alize na all the pagod and pagpupuyat was worth it. =)

  9. yupyup! i agree… naging head na rin ako ng yearbook project namin nung first year (o diba first year pa lang me yearbook na!) at yun ang first time kong di matulog ng 24 hours straight…

    … kung makakagawa lang ako ng libro dedicated to my highschool… someone fund me!! haha

  10. Well, at least your batch has something better over us… COngrats… Kung gusto mo, magtanong ka na rin kay Ate Vanna about UP life… Mas kabisado pa rin nya ang UP kaysa akin…
    Can you tell me about Ms. Cui and Ginang’s plans???
    As well as the future plans for The Montessorian… (the next issue and the selection process…)
    I’ll be expecting you with your student number… (2007 -4****) I don’t know… that’s what I saw…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.

%d bloggers like this: