High School memories

January 30, 2007 at 6:35 pm | Posted in drama, school | 10 Comments

dsc00151.JPG dsc00453.JPG dscn1186.JPG montessorian-staff.JPG

Background music: With A Smile
2 months na lang. We’ll be parting ways. Tama nga talaga ang sinasabi nila na ang high school ang peeenaaka-masayang stage ng pag-aaral. Dito napaghalo-halo ang saya, lungkot, tawanan, iyakan, inisan sa isang blender ng pagmamahalan naming magkakamag-aral. Malapit na nga. Nakakalungkot. Pero ayos lang. Ganyan talaga.

1st Year. Dito ko nameet ang isa sa pinakamatagal kong naging bestfriend, katoto, kalaro, kakopyahan at adviser ng mga problema. Dito rin ako naexpose sa pagsulat at pagguhit. Nakapagpasa ako ng unang tula sa official newspaper namin.

2nd Year. Nagkaroon ako ng interes sa GBA emulator, PS emulator at iba’t ibang klase ng laro. Dito ko rin natuklasan ang paglalaro ng the sims, na naging dahilan upang maging close kami ni toooot. At higit sa lahat, first time kong makadalo sa High School Dance. ^^

3rd Year. Pinagsama ang lahat ng magagaling na mag-aaral sa cream section namin (Mendeleev). Nagkaron ako ng kalayaang maglaro sa labas. Hahaha at umuwi ng alas-diyes ng gabi galing sa kaibigan naming may computer shop. Pero ang pinakahighlight neto ay ang natuto akong toooooooot.

4th Year. Eto na yata an pinakamasayang year ko. Naappoint ako bilang Editor-In-Chief ng Official Newspaper namin pero nang nasa proseso na ang pagpapublish ay sobrang hirap ng napagdaanan ko. Pero nang makita ko ang finished Product, Wow. Eto na ang last year, marami kontrobersya, maraming nangyayari, at higit sa lahatdito ko naramdaman ang pagiging BATAS ng iskul matapos maging Student Leader. Hehehe ^^

May ipopost pa akong summary ng FOURTH YEAR Chronicles. Hehehe. Hindi na nga mauulit ang High School. Excited na nga ako sa College, Pero at the same time, malungkot. After ten years kaya ano nang itsura at mga katayuan namin sa buhay? Hmmmmm…
more pictures in photo gallery >>>

Blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.