School blues

April 1, 2007 at 8:39 pm | Posted in school | 11 Comments

Kanina lang pagkabukas ko ng blog ko dito sa wordpress ay tumambad sa akin ang isang comment na galing kay Sorrowful, ang aking kaklase at marami akong nabasang nakakagulat – na kahit ang aking updated na isip ay hindi matanto ito. AKALA ko pagkatapos ng graduation happy na kami pati ang aming mga mahal na teachers, HINDI pa pala. Heto ang ilan sa mga nabasa ko.

Sabi niya: Kanina, galing ako sa school. May giyera. Nakiusap mga teacher namin na wag munang kukunin ang card namin, battle nila yun, kakampi ako ng mga advisers ko, nagpakalat ako ng text brigade na sana wag muna kunin ang mga card ng mga 4th year kasi nga, kung mapipilitan silang i-release ang card, hindi ibibigay ang sweldo nila, ayun na lang tangi nilang alas para i-release ang sweldo. Ayun. Umalis na ako sa school, nag-text ang adviser ko, nilabas na nila card dahil may mga kaklase ako na need na yun sa universities na pinasahan nila, tinanong ko kung makukuha na nila sweldo nila, sabi nagmi-meeting daw at mukhang balak silang pahirapan pa. Wala pa me balita hanggang ngayon.

Comment: Dati pa talagang mainit ang directress namin (aka bulldog) sa mga high school teachers dahil sa nangyaring sitdown protest nung nakaraang February (alamin ang dahilan dito) at kahit siguro anong “method” ng pagpapahirap ay gagawin niya para lang makaganti. BTW, Hindi ko pa nakukuha ang card ko dahil tinamad ako nung friday pero hndi ko akalaing may nangyari pala nun. Haaaay nakakaawa talaga ang mga adviser namin. Grabe talaga ang school namin.

Sabi pa niya: Isa pang napagalitan ni Bulldog ay ang Mommy ng SCO(Student Council Organization) president namin, siya rin kasi ang school nurse. Ang sabi kasi ng SCO president sa closing remarks niya ay nais niyang pasalamatan ang lahat ng teacher, especially yung mga hindi nakikita sa Bellevue that afternoon, which nakapagpa-init ng ulo ng bulldog.

Comment: Naaalala ko nga nuung nagspeech si Kenneth nang sinabi niya ang mga linyang “Especially to the teachers who are NOT SEEN HERE” (hindi kasi pinaattend ni bulldog ang mga advisers namin sa graduation! Anung klase yan?!) At ngayon si bulldog pa ang magagalit sa mommy ni Kenneth dahil sa ginawa niyang yoon!

Ilan lang yan sa mga Hirap na pinagdaanan namin sa skul na ito. CASA REAL MONTESSORI INC, at kahit pa sabihin nilang binagyan nila ako ng plaque of academic excellence at appointed as Editor-In-Chief ng School namin ay hindi pa rin ako proud sa Admin namin. Sa pangalan lang ako proud! Lol. Huhu panu at kelan ko kukunin kard ko?

Updates lang. May nadagdag sa about me Hehehe.

Advertisements

Hell month is sooo DAMN over.

March 20, 2007 at 10:17 pm | Posted in school | 5 Comments

Yehey! Tapos na! Tonetoneladang bagay ang mga gusto kong sabihin simula nung nawala ako nung (hmmm isip-isip) Ah! March 2. Kasi, unang-una, we had our finals that week, at kung akala niyong tapos na rin yun after ng exam, hindi pa, we had our clearance signing week at kahit sabihin kong ala naman me na problema sa pagpapapirma ay nababagabag pa rin ako sa nakatambak na gawain. At simula ngayong week na ito, buti na lang at natapos na namin (mga 4 lang kaming gumawa) ang Official publication ng school namin. Isipin mo, official publication eh 4 ang gumagalaw na staff at ang mga computer eh iisa at may virus pah! Buset.

Natapos ko na rin ang Grad video naming batch at proud ako dahil naupload ko siya sa youtube. Feeling ku kasi hndi siya mapapanood sa Graduation Ceremony namin kasi maarte directress namin kaya dito na lang sa net. Eto yung link. Newstein. Pero ang bottomline dito ay tapos na rin! Natapos na rin! Bukas ay ibibigay ko na ang dummy sheet at hard copy para mapublish na ang publication. MASAYA ako ngayon dahil:

Babalik na ako sa blog world muli (^^,)
2x experience nasa Flyff bukas
Version 7 na next wednesday
Elementor na ako, to be. (2nd job) at kumpleto na ang gamit
May semi-new cellphone ako
Wala na akong iniisip
Marami akong gagawin this summer!

At isa pa, UP-Diliman na ako! Mejo napag-isip-isip ko yun simula march at final na. Nakapagconfirm na ako ng slot at mageenroll na ako sa MAY. Weeee. Nga pala, magtatrabaho ako ngayong summer, tutor para sa upcat review. Uber nakakaflatter kasi aku pa napili. At willing pa magbayad ha? Ayos, at katulong ku naman ang kuya ko sa pagtuturo, siya raw sa math. Tapos sa saturday kasali pa ako sa painting contest ng Rotary club Int’l, hehehe baka kung anu lang idrowing ko dun. Ahihi.

Kaya ayun! Simula bukas, wala na akong iisipin at hanggang Graduation sa March 29. TT__TT Byee Byee na sa mga HS friends ku, pero sana alang limotan at magkita sana kamin muli. Sa mga bloggr friends ku, TY sa pagbisita ahihi. Salamat! PAHABOL: Aalis na Daddy ko papunta sa abrod tomorrow, hindi man lang siya makakaatend ng graduation namin ng lil bro ko. Nakakalungkot.

Deliberation, Thesis, Deadlines.

February 1, 2007 at 10:28 pm | Posted in school | 9 Comments

Tomorrow is the crucial day: Deliberation of graduating students. In this day, the teachers will have a meeting in the office regarding every graduating student’s grade and academic standing. Also, they will point out who will march on MARCH, and who will not. I just pray that all of us will march, on March. Hehehe.

Our school offers 2 exclusive subjects for a Math and Science High School, namely Research IV and Advanced Chemistry. Both are elective subjects and both holds 1 unit. (a total of 2 units) Our guidance counselor told us awhile ago, if 1 unit failed, the student have a possibility to take summer classes. And the hardest part here is that, the only school that offer these subjects in Cavite is our school. So, if anyone of us failed here, he/she must take summer classes from other schools that, offer the same subjects. Wow.

I have to be serious in Research subject. That’s why, I’ll count this night as a Thesis-making night (hehehe). I have to finish Chapter 4 of our thesis para wala na akong aalalahanin sa sabado at linggo. Goodluck to us.

I updated my links.

High School memories

January 30, 2007 at 6:35 pm | Posted in drama, school | 10 Comments

dsc00151.JPG dsc00453.JPG dscn1186.JPG montessorian-staff.JPG

Background music: With A Smile
2 months na lang. We’ll be parting ways. Tama nga talaga ang sinasabi nila na ang high school ang peeenaaka-masayang stage ng pag-aaral. Dito napaghalo-halo ang saya, lungkot, tawanan, iyakan, inisan sa isang blender ng pagmamahalan naming magkakamag-aral. Malapit na nga. Nakakalungkot. Pero ayos lang. Ganyan talaga.

1st Year. Dito ko nameet ang isa sa pinakamatagal kong naging bestfriend, katoto, kalaro, kakopyahan at adviser ng mga problema. Dito rin ako naexpose sa pagsulat at pagguhit. Nakapagpasa ako ng unang tula sa official newspaper namin.

2nd Year. Nagkaroon ako ng interes sa GBA emulator, PS emulator at iba’t ibang klase ng laro. Dito ko rin natuklasan ang paglalaro ng the sims, na naging dahilan upang maging close kami ni toooot. At higit sa lahat, first time kong makadalo sa High School Dance. ^^

3rd Year. Pinagsama ang lahat ng magagaling na mag-aaral sa cream section namin (Mendeleev). Nagkaron ako ng kalayaang maglaro sa labas. Hahaha at umuwi ng alas-diyes ng gabi galing sa kaibigan naming may computer shop. Pero ang pinakahighlight neto ay ang natuto akong toooooooot.

4th Year. Eto na yata an pinakamasayang year ko. Naappoint ako bilang Editor-In-Chief ng Official Newspaper namin pero nang nasa proseso na ang pagpapublish ay sobrang hirap ng napagdaanan ko. Pero nang makita ko ang finished Product, Wow. Eto na ang last year, marami kontrobersya, maraming nangyayari, at higit sa lahatdito ko naramdaman ang pagiging BATAS ng iskul matapos maging Student Leader. Hehehe ^^

May ipopost pa akong summary ng FOURTH YEAR Chronicles. Hehehe. Hindi na nga mauulit ang High School. Excited na nga ako sa College, Pero at the same time, malungkot. After ten years kaya ano nang itsura at mga katayuan namin sa buhay? Hmmmmm…
more pictures in photo gallery >>>

Blog at WordPress.com.
Entries and comments feeds.